April 2nd, 2006

Istorya ng Isang Puta

Posted by the_storyteller @ 05:43 AM in The Storybook | permalink

>>> This is a story emailed by my friend. Di namin kilala kung sino ang nagsulat nito pero napakagaling niya kc.....basta basahin niyo na lang para maintindihan niyo ang sinasabi ko <<<

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Halika at makinig ka muna sa kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga
rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako?

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, at ano ka. May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako. Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.


Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapagusapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko pala nasabi pangalan ko. PILIPINAS nga pala pangalan ko!



1 Read and Commented


Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Mike Portes (guest)

Comment posted on April 29th, 2007 at 06:58 PM
Author's note:
Maraming salamat sa lahat ng mga nag-fwd, naglathala at nag post sa kanilang mga blog site ng
article ko na "Minsan may Isang Puta" ( originally published in
<a href="http://www.peyups.com/article.khtml?sid=3468" rel="nofollow">http://www.peyups.com/article.khtml?sid=3468</a> ).

May 2007 "upgraded" version na tayo sa <a href="http://passionoverdrive.blogs.friendster.com/my_blog/2007/04/minsan_may_isan.html">shortened link</a> [passionoverdrive.blogs.friendster.com] . Dinagdag ko na din ang ilang reaksyon at sagot ko sa blog na ito na "kaaliwan"
nyo. Please feel free to get the "Puta" artwork in the link.

For the non-Filipino speaking readers who posted the article in their blog site, Thank you very much and please accept my regrets for not being able to translate the article in the lingua franca, I'm sure your Filipino-speaking friends can very well interpret the story with much emotion. The article is really meant for my countrymen and I feel that there is no better way to address them than to speak in our mother tongue.

God bless!

++++++++++++++++++++++++++

Minsan may Isang Puta (2007)
-mike.portes@gmail.com
<a href="http://passionoverdrive.blogs.friendster.com/my_blog/2007/04/minsan_may_isan.html">shortened link</a> [passionoverdrive.blogs.friendster.com]

ABOUT THIS JOURNAL

Welcome to this small space of mine where you can read some thoughts running in my mind. Long ago, I thought of writing stories of my own but I ended up collecting stories already known. I thought of having a journal of my life, but I ended up doing nothing on my site. I thought of having a journal for my dreams, but I ended up staring in my computer screen. So in the end, I decided to just put anything in here and be satisfied in my seat!

Welcome to my blog..explore the site and enjoy the stories I've collected, the poems I've made and the things I've learned in a storybook called 'LIFE'. :D

And PLEASE do LEAVE a COMMENT after READING some of the ENTRIES! Thanks a lot!!!

DIRECTORY

THE LIBRARY BOOKS

THE BULLETIN BOARD



Creative Commons License
Creative Commons License
Some of the work in this site is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

 Subscribe to my Storybook
Subscribe by Email

CREDITS

Design:
Goldmare

Layout / Distribution:
Up4Grabs

Usericons:
woochan11
randomicon
merrychildicons

THE STORYTELLER

Filipino. 22 years old. Isang Tomasino. A frustrated writer. A certified otaku. Food tripper. Music lover. Likes to travel and explore the world but don't have any money to do so. Spends time watching anime, movies or dramas/series (American, Japanese, Taiwanese, Korean and Filipino). Read a lot of books but more on fantasy, inspirational and manga.

RECENT POSTS

THE WRITING PAD

your name:

url:

your message:

THE LOGBOOK

SEARCH MY BLOG