July 6th, 2009
Update, Update
It has been a while since my last update pero eto ako at mag-uupdate ngayon sa nangyayari sa buhay ko. Grabe ang buong sched ko ngayong 1st half ng July. At first masaya kasi nagkaroon ako ng triple off pero curse in disguise pala yun kasi imbes na may break ako sa isang linggong work, wala na. Imagine I've been working 7 days straight na at dalawang beses pa akong naging 12-8. To give you an idea how difficult it is for me, imagine that after my triple off (at dahil triple off ako) ibinigay sa akin yung pinaka heavy case ng OR which is radical nephrectomy tapos kinabukasan nun 12-8 ako so akin ulit yung heavy case e the following day 12-8 pa rin ako so akin ulit yung heavy case. Then the following day hindi nman heavy case yung akin pero yung surgeon at circulating nurse ko napaka stressful para sa akin tpos bigla pang nagkaroon ng 5 emergency cases bandang hapon. Then the following day pagkatapos ng ORIF (one of the heavy case in ortho) case ko sa craniotomy (heavy case sa neuro) naman ako napunta then nung akala kong pwede na akong umuwi napunta pa ako sa ureteroneocystostomy (hindi naman ito masyadong heavy case ng uro pero ma-sstress ka dahil sa surgeon). At kahapon nga e Sunday so nilinis namin ang buong OR as in wall to wall ang paglinis dun para ma-disinfect ang buong OR, syempre nakakapagod din yun. So within this week pa lang 3 beses kong nalinis ang OR. At ngayon meron pa rin akong pasok dahil bukas pa ang pinakahinihintay kong off, hindi naman ako nagrereklamo pero na-realize ko after ng off ko sa Tuesday pagkapasok ko sa Wednesday sa akin yung heavy case kasi from off ako e thursday off ulit ako so pagpasok ko ulit sa friday akin ulit yung heavy case ng Friday so parang wala pa rin akong pahinga. Pero ok lang as long as kaya ng katawan ko...hehe
***
At nabalitaan kong may binabalak pala ang PRC at Board of Nursing na gumawa ng sub-committee para sa mga special areas ng nursing like ICU, OR, etc. tapos ang sabi-sabi before you can work as a special area nurse (in my case OR nurse) kelangan daw munang maipasa namin yung board exam for that one. So in short kelangan muna naming maipasa yun board exam for OR kung gusto naming maging OR nurse. Akala ko naman kung OR nurse ka na ligtas ka na dun pero hindi pala kasi kelangan pa rin daw mag-take ng exam yung currently working sa mga special areas.
At may isa pa, bago daw maging Head Nurse/ Charge Nurse yung isang staff, dapat din daw muna syang mag-take ng exam, siguro kung ganun ang mangyayari ibabagsak ng mga kukuha nun yung exam para hindi sila maging HNOD/CNOD kasi kung sa amin nga parang yun yung pinaka-ayaw nila e dahil sa sobrang bigat ng trabaho.
***
Dahil sa sobrang pagod ko at dahil parati na lang akong gabi kung nakakauwi, kagabi, nakatulog ako ng hindi man lamang natanggal sa mata ko yung contact lens ko. Kaya kaninang pagkagising ko sobrang takot ako kasi baka ano na nangyari sa mata ko, pero so far ok naman sya medyo masakit lng pero sna naman hindi ako mabulag...bigla kong naalala si Ruffa nung nakalimutan din nyang tanggalin yung contacts nya at natulog na sya.
Wanna Say Something?
