September 30th, 2009

Flood and Babies

It's been a while. Ang tagal din bago ako nakapag-update dito sa Tabulas, this is all the fault of Facebook, yes sinisisi ko sya kasi parati na lang ako dun pumupunta.

Anyways, I'm here for an update. In my current workplace napakadalang ng mga surgeries namin minsan pa nga walang patient sa hospital kasi they're just starting so sobrang bilang rin ang mga staffs and ung mga staff na-rorotate in all areas  pa especially kung walang nurse dun sa area na iyon. For example, if wlaa namn kaming case sa OR, at walang tatao sa ER, dun kami mapupunta ang masaklap pa, one nurse on duty lang every shift so if ever maging toxic, super toxic talaga kasi sa buong hospital 2-3 nurses lang ang naka-duty.

Anyways, last week nagkaroon ng himala, dumami patient namin, unfortunately all of them were patient for Caesarian Section and NSD. Yes, panahon na ng mga nanganganak.

And so last Friday, pinapasok ako ng maaga because we're having two CS so even if night pa ang duty ko napilitan na rin akong pumasok kasi nga isa lang ang duty dun sa 2-10 shift at nag-straight duty na yung isang morning shift. OK lang naman sa akin but what I didn't expect is the storm na biglang dumating.

Dahil nga nag-straight yung 6-2 shift, nag-absent na sya the following day so ako namn yung nag-straight, from 5pm  nung Friday dineretso ko na at ako na rin ang nagduty ng 6-2 shift ng Saturday. E biglang dumating si Ondoy at nagdala ng kabahaan, so yung duty ng 2-10 at 10-6 hndi na nakapasok kasi nga hanggang bewang na yung baha sa may paligid ng hospital. Ang masaklap pa e biglang may dumating na NSD patient. Ewan ko ba kung kelan nman bumabagyo at bumabaha dun pa naisipan nung nanay na manganak. So yung nursery may 4 babies na, dalawang NSD at dalwang CS. Sa ward naman ganun din 4 patients, ung mga mothers. Akala ko naman pagdating ng Sunday makakauwi na ako kasi pagod na ako at sobrang antok na rin. E hndi pa rin humupa ung baha at umuulan pa rin so ako pa rin ang nag 6-2 shift. Buti na lang pumasok yung 2-10 shift so nakapagpahinga ako, pero d na rin ako umuwi kasi night shift naman ako that day. Pero bago ako makatulog bigla pang nagkaroon ng patient sa ER. Yung patient nasugatan sa paa at kita na yung tendon nya, so akala nman namin i-OOR na sya that day buti na lang next day pa. Mahirap yun kasi wala kaming mga sterile na gamit. So yun nga pahinga lang ng onti then back to work ulit.

E dahil nga bilang lang ang staff at dahil rin sa bagyo at baha, yung mga staff na duty nung Saturday morning hndi na nakauwi at hindi rin napalitan. So nagdecide kami nung kasama ko na i-relieve na namin ung dalawang nurse sa ward kasi nga wala pa silang tulog. So yun yung experience ko nung binabaha ang buong Metro Manila. Kahit na almost 60 hours akong nag-stay sa hospital, feeling ko blessing in disguise yun at least kumikita ako at hindi ako naburo sa bahay. Buti na lang din at nasa mataas na lugar yung bahay namin so my family were safe sa flood. Although nakakalungkot kasi may mga kakilala ako na nagsuffer din dahil sa baha.

Anyways, dahil nga dun sa super long OT ng ibang nurses, yung iba, hndi na pumapasok until now so kahit kulang na kami sa staff lalo pa kaming na-understaff. E kahapon may dumating pang 22 patients. For executive check-up lang namn sila but still sobrang kulang ang staff so kanina, napunta ako dun sa nursery para alagaan yung dalawang baby (nakauwi na yung dalawa pang baby). Grabe, it's my first time actually na mapunta sa area na yun. Student pa ako nung huli akong nagduty sa nursery e so wala akong kaalam-alam talaga. Buti na lang at kahit iyakin yung baby ko hndi nman sya toxic. Mahal lang nya ako at ayaw nyang magpababa at humiga sa crib nya. Gusto nya karga ko sya parati. Kapagod yun buti na lang at around 1pm tumahimik na rin sya at natulog na sya sa crib nya. Buti na lang din at pumasok ung 2-10 shift nursery nurse at hindi ako na-OT dun sa nursery. Hay sana kasi umayos ung management ng hospital para hindi kaming mga nurses yung natotoxic. Kahit hindi namin specialty dun kami pinapasok, pano kung may mangyari, syempre liable kami doon db? Hay talaga...un lang masasabi ko.



8 Read and Commented


Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on October 11th, 2009 at 09:30 AM
sarap siguro maging nurse..
Comment posted on October 2nd, 2009 at 12:56 PM
Glad to know you're okay. Ingats!
Comment posted on October 1st, 2009 at 08:04 PM
kua. is it that toxic to be a nurse?

im a former nursing student po kasi.

god bless
Comment posted on October 1st, 2009 at 10:15 PM
OK lang naman, may times na toxic meron namang times na hindi but I think kahit ano namang work basta you're enjoying what you're doing kahit toxic pa sya, ok lang...
Comment posted on October 1st, 2009 at 09:08 AM
Mabuti at maayos naman ang pamilya mo. Grabe ang dinulot ng bagyo.
Comment posted on October 1st, 2009 at 10:13 PM
onga grabe dinulot ng bagyong ondoy...at ang masaklap e narito na si bagyong pepeng na mas malakas daw...sana iligtas tayo ni Bro...
Comment posted on September 30th, 2009 at 10:46 PM
ok lang yan. galingan mo sa trabaho mo.. maraming may kailangan ng tulong mo..

hayaan mo, maiisip din ng ospital ninyo na kailangan nila magdagdag ng tao kapag marami nang pasyente.
Comment posted on October 1st, 2009 at 10:14 PM
sana nga maisip na nila agad bago pa mahuli ang lahat...kasi halos lahat ng nurses dun gumive-up na at nag-AWOL na sila...kawawa tuloy yung mga naiwan...

ABOUT THIS JOURNAL

Welcome to this small space of mine where you can read some thoughts running in my mind. Long ago, I thought of writing stories of my own but I ended up collecting stories already known. I thought of having a journal of my life, but I ended up doing nothing on my site. I thought of having a journal for my dreams, but I ended up staring in my computer screen. So in the end, I decided to just put anything in here and be satisfied in my seat!

Welcome to my blog..explore the site and enjoy the stories I've collected, the poems I've made and the things I've learned in a storybook called 'LIFE'. :D

And PLEASE do LEAVE a COMMENT after READING some of the ENTRIES! Thanks a lot!!!

DIRECTORY

THE LIBRARY BOOKS

THE BULLETIN BOARD



Creative Commons License
Creative Commons License
Some of the work in this site is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

 Subscribe to my Storybook
Subscribe by Email

CREDITS

Design:
Goldmare

Layout / Distribution:
Up4Grabs

Usericons:
woochan11
randomicon
merrychildicons

THE STORYTELLER

Filipino. 22 years old. Isang Tomasino. A frustrated writer. A certified otaku. Food tripper. Music lover. Likes to travel and explore the world but don't have any money to do so. Spends time watching anime, movies or dramas/series (American, Japanese, Taiwanese, Korean and Filipino). Read a lot of books but more on fantasy, inspirational and manga.

RECENT POSTS

THE WRITING PAD

your name:

url:

your message:

THE LOGBOOK

SEARCH MY BLOG